Paalaala: Karamihan sa atin ang tuon ng pansin ay sa kayamanan pangpinansyal kung hindi sa atin ipaalala  ang kahalagahan ng iba pang anim na kayamanan sa kumpletong pag-unlad ng tao. Noong si Saint Pope John Paul ay Santo Papa binigyan  niya ng diin  ang kahalagahan ng kumpletong pag-unlad ng tao.

1. Kayamanan Pang Espiritual (Spiritual Wealth)

Ito iya pitong kayamanan ng tao dahil ito ang madadala natin sa langit, sa susunod na buhay. Dito rin tayo lubusang nasisiyahan dahil Ito ang tunay na hinahanap ng ating puso. Sabi  nga sa turo ng simbahan, “Tayo’y ginawa ng Diyos at para sa Diyos.” At hangga’t hindi tayo lumalapit sa Kanya habang  tayo’y nagkaka-idad, balisa ang  pakiramdam natin at hindi buo. Ito magbibigay ng matibay na pundasyon sa ating pag-unlad tungo sa susunod na anim na Kayamanan.

Ang paraan tungo sa pagka-espiritual ay ang pag sunod ng buong puso sa kagustuhan ng Diyos. Alam natin na Siya ay tunay na mapagmahal na Ama, na nagbigay na sa atin ng buhay. Parating kabutihan ang nasa isip niya sa atin.

2. Kayamanan sa Husay na Pagdadala ng Sarili (Emotional Maturity Wealth)

Ito’y tungkol  sa husay ng pagpipigil sa sustong makaganti pagnasaktan. Madali ba tayong magalit? Madali ba tayong maapektohan sa sinasabi ng iba? Malimit ba tayong napapaaway? Paano ba ang kilos natin kapag hindi nasunod ang kagustuhan natin? Paano ba ang kilos natin kapag may kaguluhan sa paligid? Madali ba tayong manghina?

Ang husay sa pagpipigil ng sarili ay kayamanan.

Hingng kababaan ng loob. Ito iyong katangiang kailangan natin sa mahusay na pagdadala sa sarili. Sabi ni San Agustin ang kababaang loob ang nanay ng mga magagandang  pag-uugali ng tao. Ito ay pundasyon sa isang matagumpay na buhay.

3. Kayamanan sa Pakikitungo (Relationship Wealth)

Maa kung  hiwalay naman  tayo sa pamilya, hindi maganda. Ang mga anak natin lalaking hindi kumpleto ang magulang. Maaring mayaman tayo pero kung hindi naman maganda ang relasyon natin sa ating asawa at mga anak, sa mga mahihirap, sa ating mga kapitbahay, sa kasamahan sa trabaho, sa mga kamag-anak at biyenan, hindi maganda. O kaya kung galit sa atin ang mga anak natin. Ang pagkakaroon ng magandang relasyon ay kayamanan at nakapagpapataba ng puso. Maaring marami tayong pera, ngunit  kung wala naman tayong kaibigan, wala iyon.

Sa isang pagpupulong na aking dinalgapagsalita na sa kanilang pamilya ang family reunion ay  sa husgado, Ibig sabihin nagkikita kita lang sila dahil sa may iniaayos na hindi nila pinagkakasunduan. Ang lungkot naman ng pamilyang iyon.

Kayamanan ang may magandang relasyon.

4. Kayamanan Pangkalusogan (Physical-Health Wealth)

Ang unang kayamanan ay kalusugan, sabi ni Emerson. Sa Bicol, mayroon kaming kasabihan, “Dai bali pobre dai lamang magherelang.” (Di bali mahirap, huwag lang magkasakit). Ang aking ama ay isang taong walang kalabisan. Parati niyang sinasabi, kung iinom ka ng wa lamang. Siya ay isa ring mala-albularyong doctor sa Chinese. Umabot siya ng 92 na taon. Iyong  araw na yun, gaya  ng dati pumasok siya ng maaga sa trabaho. Nang tanghali na kumain siya ng pananghalian at na-idlip ng konti. Mga bandang ala-una ng hapon naupo siya sa isa sa mga upuan sa opisina. Pagkalipas ng ilang sandali siya ay sumandal at namatay. Doon sa amana ganyan din ako pag namatay.” Kung tayo’y may malubhang sakit, hindi iyon mapapalitan ng kahit magkano. Apektado ang ating pag asa sa buhay. Baka madepres pa tayo. Malaking problema. Sigurado ayaw natin umabot tayo sa ganoong kalagayan.

Ang kalusugan ay tunay na Kayamanan.

Ang pinaka magandang paraan para sa pag-aalaga ng ating katawan  ay tayo ang mag-manage sa paglago  ng ating kalusogan. Huwag nating ipagkatiwala sa doctor o’ ibang tao. Maglaan tayo ng oras sa pag aaral para dito.

5. Kayamanan sa Karunungan at Kaalalaman (Wisdom and Knowledge Wealth)

Sabi ni Haring Solomon, “Para sa akin mas mahalaga ang Karunungan kaysa sa ginto.” Ang edukasyon, kaalaman, at higit sa lahat ang karunungan ay napaka halaga at tunay na Kayamanan. (Ang karunungan ay galing sa karanasan at kaalaman na nasala na ng puso na may patnubay ang Espíritu Santo). Dapat  ang mga magulang ay malimit pagusapan ang tungkol sa kahalagahan ng  edukasyon, kaalaman, at Karunungan sa loob ng bahay.

Si Edgar ay aming production foreman sa loob ng walong taon. Ang kanyang performance noon ay katamtaman, kung minsan maganda, pero kalimitan katamtaman lang. Napansin ko ang kanyang malasakit sa kapwa. Kapag may baha naghihingi siya ng donasyon. Napagpasyahan namin ilipat siya sa HR (Personnel Department kanyang performance ay mas maganda kaysa sa production. Tinanong ko siya kung ano ang antas ng kanyang kasiyahan sa trabaho dito sa HR kumpara sa production. Mabilis ang kanyang sagot, “Sir, sa production 80%, dito sa. HR 90 to 95%.” Kung alam ko lang noon pa na importante ang bagay na Ito, hindi ko na siya pinatagal sa production. Mahalaga na ang ating trabaho ag panggastos sa pamilya, kundi masaya at lumalago rin tayo sa trabaho. Dapat ang trabaho natin ay kung saan tugma ang ating galing at hilig na nagmula sa Panginoon.

7. Kayamanan Pangpinansyal (Financial Wealth)

Siyempre mahalaga rin ang pinansyal. Maganda rin na maayos at kumportable ang buhay natin. Nararapat lang naman lalo na’t pinaghirapan natin. Sa laki ng karangalan na binigay ng Panginoon sa tao — na tayo’y nilalang na kahawig ng Diyos — dapat lang na ang buhay natin ay nasa ayos. Kung tayo’y mabubuhay ng hanggang isang daang taon, ayaw natin umasa sa iba sa ating pinansyal na p pang mas mahalaga, maganda  rin na sa ating pagtanda, may kakayahan tayong makatulong sa iba. (Binigay na sa atin ng Panginoon ang sekreto ng kasiyahan, “Mas malaki ang kasiyahan ng nagbibigay kaysa sa binibigyan.”)

Mahalaga na tayong mga magulang maituro muna sa mga batang anim na kayamanan bago natin hikayatin silang mag pursigi sa pinansyal na kayamanan. Ito iyong tamang pamamaraan tungo sa  kayamanang pang pinansyal. Kapag hindi natin sila tinuruan ng ganitong sistema, baka kung anong mangyari. Mayroon akong kilala na talagang nagsikap tungo sa kayamanang pinansyal. Yumaman nga, pero nagkaroon ng malubhang karamdaman. Maraming pamilya ang nag-awera.

Sana’y mapa sa atin ang grasya ng Panginoon tungo sa Pitong Kayamanan para sa ating lubusang pag-unlad bilang tao.

Merry Christmas!

Share on facebook
Share on twitter